Home METRO Jail guard niratrat, todas!

Jail guard niratrat, todas!

ILOCOS SUR- Tigok ang isang jail guard matapos pagbabarilin sa Taleb, Bantay ng lalawigang ito kaninang umaga, Marso 11.

Kinilala ng Bantay Municipal Police Station ang biktima na si Jayson Barrientos Parchamento, 45, may asawa, Prison Guard 3, naka-assign sa Ilocos Sur Provincial Jail, residente ng Brgy. VII Pagburnayan, Vigan City, Ilocos Sur.

Ang biktima ay nakasakay sa kanyang Hyundai i10 Eon hatchback at papunta sa kanyang trabaho nang pagbabarilin ng suspek o ng mga suspek.

Agad na dinala ang biktima sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang sa Tamag, Vigan City, Ilocos Sur ng mga rumespondeng personnel ng Bantay MPS.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Nakarekober ng walong fired cartridge case ng cal. 45 sa crime scene ang mga rumespondeng personnel ng SOCO ISPPO.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang shooting incident para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang salarin o mga salarin. Rolando S. Gamoso

Previous articleLisensya ng 4,900 doktor na nag-strike sa SoKor, sususpendihin
Next article10 sa 18 Filipino sa oil tanker na hinarang ng Iran navy, nakauwi na sa Pilipinas – DFA