Home NATIONWIDE Lisensya ng 4,900 doktor na nag-strike sa SoKor, sususpendihin

Lisensya ng 4,900 doktor na nag-strike sa SoKor, sususpendihin

South Korean doctors march to protest against the government medical policy in front of the Presidential office in Seoul, South Korea, February 25, 2024. REUTERS/Kim Soo-Hyeon - RC2I96ABQTJD

SOUTH KOREA – Inihahanda na ng pamahalaan ng South Korea ang pagsuspinde sa medical licenses ng nasa 4,900 junior doctors na huminto sa trabaho bilang protesta sa medical training reforms.

Ang walkout ay nagsimula noong Pebrero 20 dahil sa plano ng pamahalaan na taasan ang bilang ng mga doktor na paraan umano upang malabanan ang shortage at ang bumibilis na ageing population ng bansa.

Nasa 12,000 junior doctors o 93% ng trainee workforce ay wala sa kani-kanilang mga ospital sa pinakahuling pagbibilang. Ito aysa kabila ng panawagan ng pamahalaan na magbalik-trabaho na ang mga doktor at pagbabanta ng legal actions sa mga ito.

Ayon sa Health Ministry nitong Lunes, Marso 11, nagpadala na ito ng administrative notifications na unang hakbang sa pagsuspinde sa medical licenses ng mga sangkot na doktor.

“As of March 8 (notifications) have been sent to more than 4,900 trainee doctors,” ani Chun Byung-wang, director ng health and medical policy division ng health ministry.

Nauna nang ibinabala ng pamahalaan na ang mga doktor na lalahok sa strike ay mahaharap sa tatlong buwang suspensyon ng kanilang mga lisensya na magreresulta sa delay ng halos isang taon sa kanilang mga abilidad na mag-qualify bilang specialists.

Hinimok ni Chun ang mga nag-strike na doktor na bumalik na sa kanilang mga pasyente.

“The government will take into account the circumstance and protect trainee doctors if they return to work before the administrative measure is complete,” aniya.

“The government will not give up dialogue. The door for dialogue is always open … The government will respect and listen to opinions of the medical community as a companion for the medical reforms,” dagdag pa. RNT/JGC

Previous articleComelec, Miru pumirma na ng kontrata sa Automated Election System sa 2025 poll
Next articleJail guard niratrat, todas!