Home METRO Jail officer na adik at tulak kinasuhan

Jail officer na adik at tulak kinasuhan

223
0

ILOILO CITY- Nanganganib na masibak sa serbisyo ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos magpositibo sa paggamit ng ilegal na droga at isa ring tulak sa lungsod na ito, iniulat kahapon.

Ayon kay Jail Senior Inspector Juniven Rey Umadhay, hepe ng Legal Service Section, may naunang kasong “conduct unbecoming of a jail officer” ang jail officer na mula Capiz at nakatalaga sa Dumangas, Iloilo City.

Nahaharap naman ngayon sa kasong administratibo ang suspek kasunod ng pagkumpiska ng P2.3 milyong halaga ng shabu sa Iloilo City, kung saan itinuro ng isang drug suspect ang jail officer bilang supplier.

Nangako naman si Jail Chief Supt. Simeon Dolojo Jr. na hindi nila palalampasin ang mga maling gawain ng kanilang tauhan.

“We will not condone nor conceal any wrongdoing of our personnel,” ani Jail Chief Supt. Simeon Dolojo Jr., na nangakong papanagutin ang sinumang tauhan na nasasangkot sa katiwalian. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here