Home NATIONWIDE Walang kailangang guidelines sa pahlalagay sa EMBO sa hurisdiksyon ng Taguig –...

Walang kailangang guidelines sa pahlalagay sa EMBO sa hurisdiksyon ng Taguig – Court of Appeals

322
0

MANILA, Philippines- Nilinaw ng Court of Appeals (CA) na wala nang kailangang writ of execution o dagdag na guidelines para ipatupad ang desisyon ng Supreme Court noong 2022 na nagdeklara na ang Fort Bonifacio kabilang ang Enlisted Men’s Barrios (EMBO) barangays ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City at hindi ng Makati.

Ibinasura ng CA Third Division ang motion to clarify ng lokal na pamahalaan ng Makati na humihiling ding mabaligtad ang desisyon ng Taguig City RTC Branch 153.

Iginiit ng Makati City LGU sa kanilang mosyon na kailangan ang writ of execution para ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema sa maayos na paraan.

Dagdag pa ng Makati LGU, walang maliwanag na kautusan ang korte na dapat ipatupad agad ang desisyon.

Gayunman, binigyan-diin ng CA na wala silang kapangyarihan na baguhin, bigyan kahulugan o dagdagan ang anumang desisyon ng Mataas na Hukuman.

“Neither this court nor the trial has authority to interpret, modify, alter, or add to the final executory decision of the SC.”

Sinabi ng appellate court na hindi rin nakagawa ng grave abuse of discretion ang Makati RTC.

Ayon sa CA, ang kautusan ng Makati RTC ay suportado ng legal at factual bases. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here