Home ENTERTAINMENT Jak, alam na ang sikreto sa panunuyo kay Barbie!

Jak, alam na ang sikreto sa panunuyo kay Barbie!

Manila, Philippines – May kasabihan ngang “The way to a man’s heart is through his stomach.”

Para sa isang babae, busugin lang niya ang lalaking minamahal niya lalo’t kung ang ipakakain niya’y luto niya mismo ay solved na ito.

If this is the premise, does the saying also apply to a woman na busugin lang din ng lalaking mahal niya ay solved din siya?

In the case of Barbie Forteza, the answer is partly true.

Totoong walang magkasintahan ang hindi nagkakaroon ng manaka-nakang tampuhan.

Pero sa kaso nina Barbie at Jak Roberto, you’ll be surprised to know kung ano ang karaniwang ipinagtatampo ng aktres sa nobyo.

Siret? Ang ‘di pagyaya ni Jak ng dinner date sa nobya!

So how does Barbie manifest her tampo toward Jak?

Sagot: sinasadya ni Barbie na huwag maglagay ng emoji sa dulo ng kanyang text message kay Jak.

Palatandaan ‘yon na “bad trip” si Barbie na kailangan pang suyuin ni Jak.

To make amends for his shortcoming, Jak recently wasted no time to invite his girlfriend to a long-overdue dinner date.

Nangyari ‘yon last December.

Moved by Jak’s sweet gesture, ipinost naman ni Barbie ang kanyang appreciation kay Jak.

Post ng Primetime Princess ng GMA: “Thank you sa dinner, boss! I love you!”

Reply naman ni Jak: “Ngayon alam ko na, madam!” patungkol sa paraan ng panunuyo sa nobya.

Samantala, sa ipinagawang bahay nagpasko si Barbie with her family.

She takes pride in having acquired the property na lupa pa lang ito hanggang mapatayuan ng bahay.

Aminado si Barbie na ‘yun na raw ang kanyang pamasko sa pamilya niya dahil nasagad ang pera niya to see her house fully built. Ronnie Carrasco III

Previous articlePinas katuwang ng Japan sa pagtugon sa New Year’s Day quake – PBMM
Next articleTINGNAN: Sitwasyon sa Simbahan ng Quiapo bago mag-Traslacion