Home HOME BANNER STORY Pinas katuwang ng Japan sa pagtugon sa New Year’s Day quake –...

Pinas katuwang ng Japan sa pagtugon sa New Year’s Day quake – PBMM

MANLA, Philippines- Nakahanda ang Pilipinas na magbigay ng tulong sa Japan bunga ng malakas na lindol na tumama sa East Asian country sa mismong araw ng Bagong Taon.

“We are deeply saddened to hear of the magnitude 7.6 earthquake in Japan on New Year’s Day,” sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang post sa social media platform X.

“We have made the offer to assist in any way that we can. In the face of shared climate challenges within the Pacific Ring of Fire, we stand united with Japan and stay ready to provide support from the Philippines,” ayon pa rin sa Pangulo.

“The Philippines in close collaboration with the Japanese government to secure the welfare of Filipinos in Japan who thankfully remain unharmed,” wika ng Pangulo.

Tinatayang 24 katao ang kumpirmadong namatay sa napakalakas na lindol na tumama sa Noto Peninsula at nakapaligid na lugar dito sa central Japan nito lamang Bagong Taon.

Marami namang naiulat na napinsala habang nag-unahan naman ang mga rescuers sa paghahanap ng mga survivors.

Sa ulat, niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang central Japan nitong Lunes at naglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad para sa mga nakatira sa west coast.

Batay rin sa ulat, sinabing nawalan din ng kuryente sa libo-libong kabahayan, at naantala ang operasyon sa ilang paliparan at tren sa apektadong rehiyon.

Naunang naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 7.6 na nagdulot ng nasa one metrong taas ng alon sa baybayin ng Sea of Japan, na posibleng masundan pa, ayon sa public broadcaster NHK.

Ibinabala ng Japan Meteorological Agency ang tsunami sa mga nakatira sa coastal prefectures ng Ishikawa, Niigata at Toyama.
Naglabas din ang Russia ng tsunami warnings sa kanilang sakop na Vladivostok at Nakhodka.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinsala ng lindol, habang pinayuhan ang mga residente na asahan ang aftershocks.

“Residents need to stay on alert for further possible quakes and I urge people in areas where tsunamis are expected to evacuate as soon as possible,” sabi ni Prime Minister Fumio Kishida sa komento na inilabas sa NHK.

Sa video footage na inilabas ng NHK, makikita ang isang gusali na napinsala sa coastal city ng Suzu. Kita rin na nagtago sa ilalim ng lamesa ang mga residente sa Kanazawa city habang ang ilang gusali sa Tokyo ay inuuga ng lindol.

Mahigit 36,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente sa Ishikawa at Toyama prefectures, na sinusuplayan ng Hokuriku Electric Power.

Pansamantalang itinigil naman ang high speed rail services sa Ishikawa, habang nagkaaberya ang serbisyo ng telepono at internet sa Ishikawa at Niigat, ayon sa website ng telecom companies na Softbank at KDDI.

Inihayag naman ng Nuclear Regulation Authority ng Japan na walang ulat ng problema sa mga nuclear power plant sa Sea of Japan, kabilang ang limang active reactors sa Kansai Electric Power’s Ohi at Takahama plants sa Fukui Prefecture.

Ang Hokuriku’s Shika plant sa Ishikawa, ang pinakamalapit sa epicenter ng lindol. Itinagil umano mga reactor bago pa man mangyari ang lindol dahil may regular inspection na gagawin, at walang nakitang pinsalang idinulot ang lindol, ayon sa ahensya. Kris Jose