Home NATIONWIDE 13K pulis ipakakalat ng PNP para sa Traslacion 2024

13K pulis ipakakalat ng PNP para sa Traslacion 2024

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na balak nitong magpakalat ng mahigit 13,000 tauhan para sa Traslacion o Kapistahan ng Poong Nazareno ngayong buwan, na gaganapin sa Maynila.

Ani PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., nakikipag-ugnayan na sila kay Manila Police District director Col. Arnold Thomas Ibay at inaasahan ang halos 2.5 milyong lokal at deboto na dadalo sa aktibidad.

“As of now, for our planning, we intend to deploy 13,691 police officers because, based on our estimated population, the number of attendees will reach 2.5 [million], but this number may change. We will also deploy our K9 units,” ani Acorda sa isang panayam.

Nauna nang inihayag ng PNP na sinisilip nitong mag-deploy ng 5,602 police officers para sa walk of faith alone o prusisyon mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Bukod dito, pinaalalahanan din ng PNP top official ang publiko hinggil sa mga ipinagbabawal kagamitan para sa taunang prusisyon.

“I would like to take this opportunity for the safety of our participants, [to remind them that] there are prohibitions. Like what we’ve discussed with the Quiapo church, attendees will be barred from bringing backpacks in controlled areas, and only transparent bags are encouraged. Bullcaps and umbrellas will also be prohibited, as well as liquid bottles and canisters – they should be transparent,” wika ni Acorda.

“We are telling this to the public so they will not be reprimanded,” patuloy niya. RNT/SA

Previous articlePinas target maligwak sa international ‘grey list’ ngayong 2024
Next articlePinas katuwang ng Japan sa pagtugon sa New Year’s Day quake – PBMM