Home NATIONWIDE Pinas target maligwak sa international ‘grey list’ ngayong 2024

Pinas target maligwak sa international ‘grey list’ ngayong 2024

MANILA, Philippines- Nilalayon ng pamahalaan ng Pilipinas na kalusin ang bansa mula sa grey list ng Financial Action Task Force ngayong Enero 2024. 

Sa isang Palace press briefing, sinabi ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Atty. Matthew David na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa kaukulang ahensya ng gobyerno na tugunan ang ”grey listing” ng Pilipinas.

”The President has reiterated the government’s high-level political commitment and directed all government agencies concerned to swiftly address the remaining strategic deficiencies identified by the FATF in relation to the grey listing of the Philippines,” wika ni David. 

”The deadline given by FATF was January 2023, it was last year already and it was not extended. However, since we did not meet the deadline of January 2023, we’re still in the grey list and our aim, the aim of the government is to exit the grey list this January 2024. That was a self-imposed deadline but we are still hopeful that we exit the grey list this 2024,” paliwanag pa niya.

Noong 2021, inilagay ang Pilipinas, Haiti, Malta, at South Sudan sa “grey list” ng mga bansa sa ilalim ng pinaigting na monitoring kontra money laundering at terrorist financing.

Inihayag ng Financial Action Task Force (FATF), isang international organization na tumutugis sa money laundering at terrorism financing, na nakikipag-ugnayan dito ang mga bansang kasama sa listahan upang itama ang mga kakulangan sa financial systems ng mga ito. RNT/SA

Previous article7 incumbents swak sa ‘Magic 12’ ng 2025 senatorial race
Next article13K pulis ipakakalat ng PNP para sa Traslacion 2024