Home NATIONWIDE 7 incumbents swak sa ‘Magic 12’ ng 2025 senatorial race

7 incumbents swak sa ‘Magic 12’ ng 2025 senatorial race

92
0

MANILA, Philippines- Kung ngayon idaraos ang 2025 senatorial elections, pito sa mga incumbent o nakaupong senador ang muling lilitaw na magwawagi, batay sa pinakahuling non-commissioned PULSO NG PILIPINO survey.

Swak sa tinatawag na “Magic 12” ang mga incumbent na sina Senators Christopher “Bong” Go, Imee Marcos, Ronald “Bato” Dela Rosa, Francis “TOL” Tolentino, Pia Cayetano, Bong Revilla at Lito Lapid.

Sa kabuuang 24, labingdalawa lamang ang kukuhaning senador habang ang 12 pa ay gagradweyt na sa Senado.

Ayon sa PULSO NG PILIPINO survey, may 50 probable candidates itong inilista at kagaya sa nakaraan, nasa Top 3 sina ACT-CIS party list representative Erwin Tulfo (63%), dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III (61.5%) at Sen. Bong Go na may 60.7%.

Nasa ika-4 hanggang ika-6 na posisyon si Sen. Imee Marcos (58%), kasama sina TV Host Isko Moreno (57.4%) at dating senador Pambansang Kamao Manny Pacquiao (56%).

Lumista naman sa ika-7 hanggang ika-9 na puwesto sina Sen. Bato Dela Rosa (54%), Sen. Francis ‘TOL’ Tolentino na may 53.7% at Sen. Pia Cayetano (49.3%).

Nasa 10th hanggang 12th na posisyon sina Sen. Bong Revilla Jr. (44%), dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson (43%) at Sen. Lito Lapid (41%).

Ang non-commissioned survey na ito ay isinagawa ng The CENTER noong Nob. 27 hanggang Dis. 4, 2023 na may humigit-kumulang 1,200 respondents na ipinamahagi sa pro-rata basis gamit ang 2022 listahan ng mga rehistradong botante bilang batayan.

Mga rehistradong botante lamang ang kasama sa survey gamit ang paraan ng MSAP sa pagkuha ng data. Ang survey ay may antas ng kumpiyansa na 98% at margin error na + 3.0%.

Sinabi ni Ed M. Malay, direktor ng The CENTER director, magiging exciting ang 2025 senatorial poll exciting dahil dito malalaman kung paano bubuuin ng administrasyon ang senatorial team nito at kung sino ang papasok sa lineup nito sa darating namang presidential elections.

Mahalaga aniya na mapanatili ng administrasyon ang kontrol sa Kongreso kung nais nitong tapusin ang termino nito sa isang mataas na tala. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here