Manila, Philippines – Dismayado ang mga loyal fans ni Barbie Forteza sa inasal ng dating nobyong si Jak Roberto sa pagiging isa sa mga hurado nito sa isang segment ng It’s Showtime.
Bale co-judge ni Jak ang kapwa Kapuso star na si Rochelle Pangilinan.
On mic kasi’y nagdayalog si Jak ng: “Sana kung papanain ang puso ko, sa tamang tao na!”
Hindi tuloy napigilan ni Rochelle na mag-react ng: “Gamit na gamit ah!”
Wari’y ang tinutukoy ng dating miyembro ng Sex Bomb Dancers ay ang umano’y unfair na panggagamit ni Jak sa isyu ng hiwalayan nila ni Barbie.
Bale ba, malinaw ang implikasyon ng tinuran ni Jak na hindi tamang tao si Barbie para sa kanya.
Kung iisipin nga naman, wala ngang maipupuntos laban kay Barbie sa loob ng maraming taon na itinagal ng kanilang relasyon.
As far as the fans of Barbie are concerned, bakit daw parang pinalalabas ni Jak na si Barbie ang may diperensya?
Payo nila kay Jak: mag-move on na at huwag nang gamitin ang isyu ng kanilang paghihiwalay to justify his bitter feelings! Ronnie Carrasco IIi