Manila, Philippines- Ang daming Marisol ang nag-react sa espekulasyong hiwalay na sina Andi Eigenmann at ang partner nitong si Philmar Alipayo.
Ito ay pagkatapos na mabalita ang pag-unfollow nila sa isa’t-isa sa kanilang respective Instagram accounts.
Pinag-uusapan din ang naging cryptic posts nila na may kinalaman sa kanilang relasyon.
May tsika pang isang foreigner na babae raw ang third party sa kanilang hiwalayan blues.
Sa kasagsagan naman ng kontrobersyang ito, trending din ang emote ni Jake Ejercito sa kanyang FB post.
Bagama’t wala naman siyang malinaw na tinutumbok, palaisipan din sa mga katikatera at sawsawera ang laman ng kanyang post na: “Wala akong feelings about it.”
Sa kanya ring FB page, ayaw tantanan si Jake ng mga pakialamera at tsismosang kapitbahay na inuurot siyang makipagbalikan kay Andi na ina ng kanyang anak na si Elle.
Ito ang samu’t-saring komento ng kibitzers pagkatapos pumutok ang split-up nina Andi at Philmar.
“Magkatuluyan sana kayu ulit sir jake everyone have a second chance.”
“nalulungkot ako for her, pero baka kayo pa rin sa huli.”
“Feeling ko kayo tlga sa isat isa.”
“May balikan na.”
“Please kayo nalang bagay kayo ni Miss Andi.”
“What if kayo talaga tinadhana ni miss Andi?”
“Paano nagkaanak kayo ng isa kung wla ka feelings hahahah ibalik mo raw.”
“Baka nga kayo talaga Jake ni Andi sa dulo.”
“Dapat may feelings ka, nanay kaya yun ng anak mo.”
“Matagal ka na rin single baka gusto mo ng ka date sa Valentines she’s there………… “
“MAYBE THIS TIME,, ITS Time.”
“UNO PLEASE. YUNG TAMANG DESISYON NA SANA.”
“Baka talaga kayo ang tinadhana ni Andi.”
“Walang syang feelings about it and walang feelings about her are two different things. Don’t take his post out of context.”
“ang saya saya ko sa break up nila kasi hoping magkabalikan kayo.”
“If it’s for you, the universe will make it happen.”
“Love is lovelier the second time around.”
“Sana kayo nalang ni andi subrang bagay.” Archie Liao