MANILA, Philippines – Napilitan si Pope Francis na putulin ang kanyang homiliya noong Linggo dahil sa kahirapan sa kanyang paghinga habang patuloy siyang nakikipaglaban sa isang matagal na kaso ng bronchitis.
Bago niya inilipat ang kabuuan ng kanyang homiliya kay Archbishop Diego Ravelli, ang master ng Pontifical Liturgical Celebrations humingi ng paumanhin ang Papa at hiniling sa master na ipagpatuloy ang pagbasa, dahil nahirapan siyang huminga.
Ang Papa na humaharap sa respiratory issues noong nakalipas na mga buwan ay tumutugon sa isang pagtitipon ng mga tauhan ng militar sa St. Peter’s Square para sa Jubilee of the Armed Forces nang bigla siyang huminto.
Si Francis ay dumadaan sa serye ng mga hamon sa kanyang kalusugan noong nakaraang taon kabilang ang pagkakaospital dahil sa respiratory infections at surgery para sa abdominal hernia.
Ang kanyang bronchitis, na tumagal nang ilang linggo, ay nagdulot ng mga bagong alalahanin tungkol sa kanyang kakayahang magsagawa ng mga pampublikong pakikipag-ugnayan, kahit na patuloy niyang ginagampanan ang marami sa kanyang tungkulin. Jocelyn Tabangcura-Domenden