Home ENTERTAINMENT Jake, pinalitan ni Paulo sa serye!

Jake, pinalitan ni Paulo sa serye!

Manila, Philippines- Bongga si Jake Ejercito, huh! Sunod-sunod ang mga seryeng ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Pagkatapos siyang mapanood sa Linlang na pinagbidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, heto’t may follow-up project agad siya sa Kapamilya network.

Makakasama na ang character niya sa Can’t Buy Me Love, ang serye na pinagbibidahan ng loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Nagsimula na siyang mag-taping para sa nasabing top-rating series ng Kapamipya network.

Well, abangan na lang natin kung ano ba ang magiging partisipasyon ng tinaguriang Crush ng Bayan sa Can’t Buy Me Love.

Ang pagkakaalam namin, si Jake dapat ang kukuning kapareha ni Kim sa bago nitong serye, ang Pinoy adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim? Hindi siya natuloy dito.

Si Paulo Avelino ang ipinalit sa kanya.

Naging mainit naman kasi ang tambalan nina Kim at Paulo na tinawag na KimPau dahil sa matagumpay nilang serye na Linlang. Tinanggap ng fan ang tambalan nila kaya binigyan agad sila ng follow-up project.

Si Jake, hindi man natuloy sa What’s Wrong With Secretary Kim, at least ay may kapalit namang serye na ibinigay sa kanya ang ABS-CBN. Rommel Placente

Previous articlePH-US 2024 Balikatan kasado sa Batanes, Palawan
Next articleAmerican nat’l, nasagip sa distressed yacht sa OrMin