Home METRO American nat’l, nasagip sa distressed yacht sa OrMin

American nat’l, nasagip sa distressed yacht sa OrMin

LUCENA CITY- Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang American at kanyang asawang Pilipina matapo sumadsad ang kanilang yate nitong Lunes, malapit sa Sugicay Island sa Bulalacao, Oriental Mindoro.

Inihayag ng PCG-District Southern Tagalog sa ulat nitong Martes na nakatanggap ng impormasyon ang kanilang istasyon sa Bulalacao bandang alas-12:30 hapon sa distressed sea vessel malapit sa dalampasigan ng isla.

Agad na nagtungo ang PCG personnel sa  ligar at sinaklolohan ang boat passengers na kapwa natagpuang ligtas.

Kinilala ng PCG ang nasagip na mag-asawang sina Jon Sidell, 63, at kanyang asawang si Belen, 41.

Nakaangkla ang Malaysian-registered catamaran, “Off the Hook” sa lalim na tinatayang 10-15 metro malapit sa isla para sa kite surfing ng mag-asawa.

Subalit, dahil sa malakas na alon at hangin, sumadsad ang sea vessel.

Batay sa ulat, walang natukoy na oil spills sa paligid ng lugar.

Inasistihan ng PCG ang mag-asawa patungo sa isang beach resort sa Barangay San Roque.

Susuriin ng mga awtoridad ang kondisyon ng yate at iinspeksyunin ang posibleng pinsala. RNT/SA

Previous articleJake, pinalitan ni Paulo sa serye!
Next article4 sugatan sa pagbomba ng tubig ng CCG vs PH ship sa resupply mission sa BRP Sierra Madre