Home ENTERTAINMENT Jake Zyrus, muntik nang matigok sa kalasingan!

Jake Zyrus, muntik nang matigok sa kalasingan!

California, USA – Ipinag-aadya pa rin talaga si Jake Zyrus.

Tiyak na ikadudurog ng puso ng ating mga kababayan –most especially his fans–na malamang hindi maganda ang katayuan ng dating kilala bilang si Charice Pempengco na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon.

Ayon kasi sa kuwento, nakikitira na lang daw si Jake sa isang gay couple.

Big fan niya raw ang isa roon.

‘Yun nga lang, hindi kaaya-aya ang living conditions ni Jake doon.

Dahil wala siyang sariling kuwarto ay nagkakasya na lang daw ito sa pagtulog sa sofa sa living room ng bahay ng tinutuluyang couple.

Mas may matindi pang kuwento tungkol kay Jake.

Sa isang bar daw na pinuntahan niya’y nasobrahan siya sa pagtungga ng alak.

Hindi malinaw kung may gig siya sa bar na ‘yon.

Anyway, sa sobrang pagkalango raw ay bigla na lang itong bumagsak sa kanyang kinauupuan.

Mabuti’t may tumawag na ambulansya na agad na rumesponde.

Bale ba, inakala pang hindi na humihinga si Jake pero mabuti na lang at na-revive ito dahil isisilid na siya dapat sa body bag.

Kung may maganda mang balita tungkol kay Jake, ito’y ang pagkakaroon niya ng bagong nobya.

June last year nang isapubliko ang tungkol sa kanila ng Fil-American singer at makeup artist na si Cheesa Laureta.

Sumali rin sa The Voice USA si Cheesa noong 2012.

Hopefully, si Cheesa ang magsilbing daan para ituwid ni Jake ang kanyang tila napariwarang buhay. Ronnie Carrasco III