Home NATIONWIDE James Deakin may patutsada sa ‘double standard’ ng LTO

James Deakin may patutsada sa ‘double standard’ ng LTO

237
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni vlogger at transport advocate James Deakin ang Land Transportation Office (LTO) noong Huwebes dahil sa umano’y “double standard” sa paghawak ng traffic violation na diumano’y ginawa ng kanyang anak noong Disyembre.

Ayon kay Deakin, ang pangunahing isyu ay ang 15-araw na deadline na kasama ang weekends at holidays, pati na rin ang labis na paperwork, at hindi kung lumabag nga ba ang anak niya sa batas-trapiko.

Pinuna niya rin ang LTO sa pagdaraos ng press conference tungkol sa insidente imbes na tugunan ang mga tanong ng publiko.

Sinabi ng LTO na nag-reckless driving ang anak ni Deakin sa pag-cross ng double solid line at pagmamaneho ng unregistered na sasakyan sa Skyway Stage 3 noong Disyembre 18.

Nilinaw ni Deakin na ang sasakyan ay loaner na may conduction sticker at temporary plate, at inamin niyang dapat ay na-verify muna ito bago pinayagan ang kanyang anak na magmaneho.

Hinamon din ni Deakin ang LTO kung bakit hindi natukoy ang paglabag sa proseso ng settlement at bakit hindi agad naipatupad ang parusa.

Iginiit ng LTO na ang reckless driving ay hindi kriminal na offense at naglabas ng show-cause order laban sa car dealer at traffic enforcer na sangkot. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here