Manila, Philippines – Kung hindi mo kilala si Nova Villa, sasabihin mong embarrassing moment para kay James Reid ang ginawa niyang pamemleytaym sa singer-actor.
Naganap ang kanilang face-to-face encounter sa nakaraang 7th edition ng Eddy’s kamakailan.
Isa sa mga presenter ng award si James.
Isa naman sa mga pinarangalang icons ang beteranang komedyana.
Ang eksena: excited na nilapitan ni James si Nova.
Anim na taon nga naman nang huli silang magkasama sa pelikulang Miss Granny.
James was in the cast habang matandang Sarah Geronimo ang role ni Nova.
Nagkataong naka-shades si James that night.
Paglapit niya kay Nova para bumati, nagdayalog ang huli ng: “What’s your name?”
Posible kasing hindi namukhaan ni Nova si James na malaki na siyempre ang ipinagbago physically.
To get recognized, James removed his shades sabay namukhaan na siya ni Nova.
A heartwarming yakapan ensued.
Posible rin kasing sinadya ni Nova na mapagkamalang “stranger” si James para maging espesyal ang muli nilang pagkikita.
Kilala naman si Nova na sadyang warm sa mga kapwa artista.
Hindi lang siguro ine-expect ni James na maging “da who?” siya sa paningin ni Nova.