APARRI, Cagayan- Pinatunayan ng dalawang magsing-irog ang kanilang pagmamahalan kung saan hanggang sa kulungan ay magkasama sila nang dakpinng pulisya dahil sa bawal na pag-ibig sa bayan ng Aparri dito sa nasabing probinsya.
Isinilbi ng operatiba ng pinamunuan ni PMaj. Ignacio Dijun Dinul9ng Jr. Hepe ng Aparri Police Station kina Alyas Carlson, 32-anyos, taga-Punta Aparri at Alyas Mrs. Virgie, 37-anyos, taga-Centro 2 Aparri dito sa probinsya ng Cagayan ang warrant of arrest na ipinalabas ni MTC Judge Blaise Barcena.
Kapwa akusado sina Carlson at Virgie ng kasong adultery.
Posibleng makalaya lamang ang magkalaguyo kung makapagpipiyansa sila ng tig-P36,000.
Pansamantalang nakakulong ang dalawa sa piitan ng Aparri Police Station habang hinihintay ang ipalalabas na commitment order ng hukuman. Rey Velasco