Home METRO Barangay tanod tinodas ng mag-utol!

Barangay tanod tinodas ng mag-utol!

191
0

SAN MATEO, Isabela – Pinagtulungan hanggang sa mamatay ang isang barangay tanod nang pagsasaksakin ng magkapatid
sa Brgy. Marasat Pequeno, San Mateo Isabela.

Unang isinampa ang kasong “murder” laban kina Norman Cabang at Ceasar Cabang, kapwa 20-anyos at pawang residente ng nabanggit na lugar subalit ibinaba ito sa homicide.

Kinilala ang biktimang si Marlon Anghel, 51 taong gulang, matapos magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon kay PMaj. Ericson Aniag, hepe ng San Mateo Police Station ay tuluyan nang sinampahan ng kaso ang mga suspek.

Napag-alamang sinuntok umano ng magkapatid ang kanilang lola dahilan kaya tumawag ng tanod ang kanilang tatay para sumaklolo.

Agad namang rumesponde ang barangay tanod na biktima na kamag-anak din ng mga suspek ngunit sinuntok umano ito ni Norman at pinagsasaksak naman ito ng isa pang suspek gamit ang isang kutsilyo.

Isinugod naman sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nagtamo ang biktima ng dalawang saksak sa kaniyang likod, dalawa sa balikat at isa sa tagiliran.

Nag-ugat ang insidente sa pag-awat ng lola sa mga suspek na tumigil na sa pag-inom ng alak dahil lasing na ang mga ito na ngayon ay labis ang pagsisisi. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here