Manila, Philippines – In a way, binuweltahan ni Jamie Rivera ang homphobic at lesbophobic na si Alvin Aragon.
Sa bibig mismo kasi ng Starstruck alumnus nanggaling na sa impyerno ang bagsak ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Bukod dito’y ini-lobby din ni Alvin ang pagpapatanggal ng GMA kay Boy Abunda bagama’t hindi niya ito pinangalanan.
Sa recent guesting ni Jamie sa Fast Talk with Boy Abunda, hindi lang ang host ang nakatagpo ng kakampi sa singer kundi ang populasyon ng mga bakla’t tomboy.
Ipinagpapasalamat kasi ni Jamie ang katotohanang ang naturang komunidad ang tumulong sa kanya during her struggling days bilang mang-aawit.
Ganoon na lang daw ang paggalang ng gospel singer sa mga ito.
Pagbabalik-tanaw ni Jamie, it was Bhoy Navarete who did her makeup for free.
Si Boy Abunda din daw ang nagsilbing publicist niya na walang anumang hiningi mula sa kanya.
Inalala din ni Jamie ang mga dating namahala ng kanyang career, even the ones who helped her through provincial shows she performed in–all LGBTQIA+ members.
Aniya: “They protected me, so what is there to judge if you’re surrounded by angels?”
Eto ang mabigat–obyus na panupalpal kay Alvin: “For me, they will go to heaven!”
To her credit, ginampanan ni Jamie ang papel na Kim sa West End production ng Broadway musical na Miss Saigon.
Jamie also sang Only Selfless Love noong bumisita si Pope John Paul II sa bansa para sa 4th World Meeting of Families in 2003.