Manila, Philippines – Feel free to vent out your thoughts.
Ganito lang naman ang ginawa ni Janine Gutierrez who poured out her sentiments patungkol sa kinakapapalooban ni Senator Bato de la Rosa.
Humihiling ang mambabatas ng suporta mula sa mga Pilipino matapos maglabas na ng arrest warrant ang International Criminal Court o ICC.
Ani Bato, he’ll resort to all legal remedies para hindi siya dakpin ng ICC at dalhin sa The Hague sa The Netherlands para malitis.
Ani Janine sa X: “Wowww, now he’s saying he’s a Filipino and he needs our support…what about all the Filipinos and families that were victims of your EJK? They deserve justice. The Filipino people deserve better!”
Itinuturing na co-perpetrator si Bato sa war on drugs na ipinairal sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte–na nahaharap ngayon sa crimes against humanity.
Ipinagyabang pa noon ni Bato na ipaaresto siya only to evade arrest nang tugisin ng ilang tauhan ng NBI sa Senado.
“Atapang pero atakbo naman pala!”
Lol!
Sa ngayon ay wala na si Bato sa bakuran ng Senado. Ronnie Carrasco III