MANILA, Philippines – Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang learning center sa Manila dahil sa illegal na pagtanggap o paghihikayat ng mga mangagagwa na nais mangibambansa.
Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac at Undersecretary Bernard P. Olalia ang closure operations ng Hikari Learning Center Corp na matatagpuna sa 1820 Leon Guinto St., Malate sa Manila, nitong umaga ng Huwebes.
Ang Hikari Japanese Learning Center umano ay nag-aalok ng mga trabaho patungong Japan ng walang kaukulang lisensya at otoridad mula sa DMW.
Kabilang sa mga trabahong iniaalok ay para sa sektor ng hotel at restaurant service, food processing, caregiving, farming at food and beverage manufacturing sa ilalim ng Technical Internship Training Program (TITP) at pagkatapos ay lumipat sa Specified Skilled Worker Program (SSWP).
Ayon sa DMW, ang pagsasara ng learning center ay produkto ng pinaigting na kampanya sa paglaban sa illegal recruitment gaya ng mga direktiba ng Pangulo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)