Home METRO Ambulansya bumulusok sa bangin; nars patay

Ambulansya bumulusok sa bangin; nars patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang nurse, habang sugatan ang limang iba pa—kasama ang isang pasyente—nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang ambulansiya sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte, nitong Linggo.

Sinabi ng mga awtoridad na galing sa Pagadian City at papuntang Cagayan de Oro City ang ambulansiya upang dalhin ang isang pasyente na nangangailangan ng operasyon.

Ngunit nawalan ng kontrol ang driver ng ambulansiya dahil sa madulas na daan at nahulog sila sa bangin sa Purok 7, Barangay Dableston na itinuturing na accident-prone area ayon sa pulisya.

Nasawi ang nurse na si Jasper Alcara, habang ang mga sugatang biktima, kasama ang pasyente, ay dinala sa ospital.

Inaasahan naman ng pulisya kung magsasampa ng reklamo ang pamilya ng mga biktima laban sa driver ng ambulansiya. RNT