Home NATIONWIDE Japan vessels, papayagan ng Iran na makadaan sa Strait of Hormuz

Japan vessels, papayagan ng Iran na makadaan sa Strait of Hormuz

167
0

Ipinahiwatig ng Iran na handa nitong payagan ang mga sasakyang-dagat na may kaugnayan sa Japan na makadaan sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis, sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Batay sa pahayag ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi, nagsimula na ang Tehran ng pakikipag-usap sa Tokyo upang posibleng muling buksan ang nasabing estratehikong daanan para sa mga barko ng Japan, kahit nananatiling limitado ang pagdaan dito dahil sa nagpapatuloy na hidwaan sa pagitan ng US, Israel, at Iran.

Umaasa ang Japan sa Strait of Hormuz para sa humigit-kumulang 90% ng suplay ng langis nito, kaya mahalaga ang hakbang na ito habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo. Ang digmaan, na nasa ikaapat na linggo na, ay nagtulak na sa ilang bansa kabilang ang Japan na gamitin ang kanilang oil reserves upang mapanatili ang suplay.

Tinalakay rin ang usapin sa pulong nina US President Donald Trump at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi, kung saan hinimok ng Estados Unidos ang Japan na mas aktibong tumulong sa pagbubukas ng naturang ruta.

Gayunman, binigyang-diin ni Takaichi na limitado ang kanilang aksyon dahil sa kanilang postwar pacifist constitution, bagama’t pinapayagan ng batas noong 2015 ang limitadong paggamit ng puwersa sa ibang bansa sa ilang sitwasyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here