Home METRO Jeepney modernization sa buong bansa, 80% na

Jeepney modernization sa buong bansa, 80% na

MANILA, Philippines – Umabot na sa 80% ang consolidation rate para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes, Marso 8.

Idinagdag pa ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III na nasa 96% ng aktibong jeepney sa National Capital Region ang consolidated na.

Sa kabila nito, kung isasama ang non-active jeepneys ay nasa 56% lamang ang consolidation ng PUVs sa Metro Manila.

Ang pagtaas ay itinuturong dahil sa determinasyon ng pamahalaan na isulong ang programa, at ang transition na hanggang apat na taon para sa modernisasyon, at ang subsidy sa downpayment ng modernized units.

“Nalaman po ng mga tumututol dito na tila walang kakahantungan yung kanilang pagtutol dahil ang gobyerno po ay desididong isulong ang programa,” ani Guadiz.

Layon ng PUVMP na palitan ang mga jeepney ng nasa Euro 4-compliant engine upang mabawasan ang polusyon at alisin na ang mga unit na hindi na roadworthy batay sa standards ng Land Transportation Office.

Ang consolidation ng individual PUV franchises sa mga kooperatiba o korporasyon ay nasa initial stage ng modernization program.

Nagkakahalaga ang unit ng modern jeepney ng mahigit P2 milyon, na mismong LandBank at Development Bank of the Philippines na ang nagsabi na masyadong mahal ito para sa mga PUV driver at operator.

Dahil dito, nagkasa ng kabi-kabilang kilos-protesta ang mga transport group laban sa programa. RNT/JGC

Previous articleSundalong Kano arestado sa pagbebenta ng defense information sa China
Next article5 durugista nadakma sa pot session sa Bulacan PNP raid