Home NATIONWIDE Sundalong Kano arestado sa pagbebenta ng defense information sa China

Sundalong Kano arestado sa pagbebenta ng defense information sa China

UNITED STATES – Inaresto ang isang US Army intelligence analyst nitong Huwebes, Marso 7 sa umano’y pagbebenta ng national defense information sa China.

Dinala sa kustodiya ng militar si Sergeant Korbein Schultz, na may hawak ng top-secret security clearance.

Bagama’t hindi tinukoy kung saang bansa ibinibenta ni Schultz ang defense information, ibinalita sa media na sinusuplayan nito ng sensitive military information ang China.

Sa indictment, mula noong Hunyo 2022 ay sinusuplayan ni Schultz ng mga dokumento, mapa at larawan na may kinalaman sa US national defense ang contact nito sa Hong Kong.

Binayaran umano ng kabuuang $42,000 si Schultz para sa naturang impormasyon.

Kabilang sa mga impormasyon ay ang potensyal na plano ng US sa oras na makaranas ng military attack ang Taiwan.

Kasama rin dito ang mga dokumento na may kaugnayan sa fighter aircraft at helicopters, hypersonic equipment, High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) at pag-aaral tungkol sa US at Chinese military.

Nang tanungin ang China patungkol dito, kasama ng pagkakaaresto sa isang Chinese software engineer na umano’y nagnakaw ng artificial intelligence technology mula sa Google, anang Beijing, “it was not aware of the specific circumstances” ng mga kaso.

Ngunit sinabi ni spokesperson Mao Ning sa isyu ng Google na “China has consistently attached high importance to and actively protected intellectual property rights”.

“At the same time, we also oppose the United States abusing its national power to groundlessly suppress Chinese enterprises and Chinese citizens,” dagdag pa niya.

Ang indictment ni Schultz ay kasunod ng pagkakaaresto ng dalawang US Navy sailors sa California dahil sa pang-eespiya para sa China. RNT/JGC

Previous articleLTFRB umaasa sa dismissal ng 2 pang petisyon vs PUV modernization
Next articleJeepney modernization sa buong bansa, 80% na