Home NATIONWIDE LTFRB umaasa sa dismissal ng 2 pang petisyon vs PUV modernization

LTFRB umaasa sa dismissal ng 2 pang petisyon vs PUV modernization

119
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibabasura ng Supreme Court ang dalawa pang petisyon laban sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) kasunod ng dismissal ng petisyon ng Bayyo Association, Inc. nitong Huwebes, Marso 7.

Sa panayam nitong Biyernes, sinabi ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III na posibleng magresulta sa kaparehong desisyon ang pagbasura sa petisyon ng Bayyo dahil sa kakulangan ng legal standing at paglabag sa principle of hierarchy of courts.

“Ako ay tiwala na ganoon din po ang mangyayari. Ito ay ibabasura at ito po ay ibaba sa mga trial courts or sa Court of Appeals para po litisin iyong mga issues na idinulog po ng mga naghain ng petition kontra dito sa PUVMP,” ani Guadiz.

Bilang tugon sa naunang sinabi ng Bayyo na aapela ito sa dismissal ng SC, sinabi ni Guadiz na ang petisyon ay dapat na inihain muna sa mababang korte.

“Ang ultimong remedyo po nila dito is to refile the case back to the trial courts,” giit ng opisyal.

Samantala, muling inihayag ni Guadiz na kailangan ang PUVMP upang matulungan na mapaunlad ang public transport sector ng bansa na malayo na sa estado ng Southeast Asia.

“We need to modernize our jeepneys to make them safe and comfortable and accessible public transportation, and the only way to do that is to modernize our transportation system,” aniya.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 80% ang consolidation ng PUV operators sa buong bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here