Home NATIONWIDE Pagbawi ni JV ng pirma sa pro-Quiboloy reso, ‘di dahil sa pambabash

Pagbawi ni JV ng pirma sa pro-Quiboloy reso, ‘di dahil sa pambabash

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador JV Ejercito na hindi siya na-pressure sa pambabash sa social media kung kaya’t iniurong niya ang pirma sa proposed resolution na tumututol sa paglalabas ng arrest order para kay Apollo Quiboloy.

“I did not withdraw because of bashing. I am very used to that. It’s a matter of doing the right thing,” sinabi ni Ejercito sa isang panayam.

Matatandaan na naunang sinuportahan ni Ejercito ang hakbang ni Robin Padilla na ibasura ang contempt citation at arrest order na inisyu ng Senate panel on women laban kay Quiboloy.

Ani Ejercito, binawi niya ang pirma mula sa resolusyon ni Padilla “after careful review of the facts, witness testimonies, and additional information.”

“There is nothing wrong with that if you correct yourself if you change your decision,” dagdag pa niya.

“We are all humans. Public perception is secondary. What’s important is doing the right thing.”

Sa kaparehong interview, inamin ni Ejercito na nakatanggap siya ng pabor mula kay Quiboloy sa mga nagdaang eleksyon.

“I didn’t borrow a helicopter or anything like that, but maybe the biggest favor is the mere fact that he received us warmly a few times,” anang senador.

“Of course, during [the] campaign, you’re trying to get a lot of votes, and of course, we go to different organizations, so I admit that I was able to go to the prayer mountain a couple of times,” dagdag pa niya, na tumutukoy sa headquarters ni Quiboloy sa Davao City.

“Maybe twice or thrice — I don’t deny that we know each other. He didn’t do anything wrong to me either, but I think he just has to face the music and hopefully air his side,” pagpapatuloy ni Ejercito.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng umano’y mga krimen na ginawa ni Quiboloy sa mga miyembro ng kanyang relihiyon.

Pinangungunahan ito ni Senador Risa Hontiveros. RNT/JGC

Previous articleBato duda sa mga akusasyon vs Quiboloy
Next articleLTFRB umaasa sa dismissal ng 2 pang petisyon vs PUV modernization