Home NATIONWIDE Bato duda sa mga akusasyon vs Quiboloy

Bato duda sa mga akusasyon vs Quiboloy

MANILA, Philippines – Hindi mapaniwalaan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga akusasyon laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at nagpapanggap na “Appointed Son of God” na si Apollo Quiboloy.

“Hindi naman ako nakatingin sa kanya 24 hours pero if you ask my opinion about him, he is highly respected. Ako mismo humahanga sa kanya. He is the son of God. So, less expected ko sa kanya na gumawa ng ganong offense,” ani Dela Rosa.

“Ang impression ko sa kanya ay respetado siyang tao at hindi niya kayang gawin ‘yung mga ganong kababuyan na ina-allege sa kanya,” dagdag ng senador.

Bukod kay Dela Rosa, kinwestyon din nina Senador Cynthia Villar, Imee Marcos at Robin Padilla ang layunin ng imbestigasyon ng Senado sa KOJC na pinangungunahan ni Senador Risa Hontiveros.

Nauna nang kinastigo ni Hontiveros si Quiboloy matapos na makailang-ulit na balewalain nito ang subpoena na inisyu ng Senado.

Tinutulan ni Padilla ang ruling at ngayon ay nananawagan ng suporta mula sa kapwa miyembro ng Senate committee na pirmahan ang dokumento para harangin ang paglalabas ng Senado ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.

Sa kasalukuyan ay nakuha na ni Padilla ang suporta ni Villar, Marcos at Bong Go.

Mayroon pang hanggang Martes si Padilla upang makakuha ng suporta ng walo o mayorya ng 14-member Senate committee on women, children, family relations, and gender equality para pigilan ang pag-aresto kay Quiboloy.

Bagama’t hindi miyembro ng Senate committee na nag-iimbestiga sa mga alegasyon kay Quiboloy, sinabi ni Dela Rosa na iniisip niyang ang imbestigasyon ay “becoming political already,” sabay-sabing mayroon nang kasong inihahanda ang Department of Justice laban kay Quiboloy.

“Anong in aid of legislation ang makukuha natin d’yan sa pag-imbestiga d’yan kung naka-file na ang kaso? Mayroon bang pagkakamali ang pulis sa paghawak, pag-handle ng kaso at pwede natin silang imbestigahan para ma-correct natin? Meron bang pagkakamali ang DOJ sa kanilang ginagawang imbestigasyon at pwede nating ma-correct through legislation?” tanong niya. RNT/JGC

Previous articleProposed ban sa disposable vapes suportado nina Pia, JV
Next articlePagbawi ni JV ng pirma sa pro-Quiboloy reso, ‘di dahil sa pambabash