Home NATIONWIDE Proposed ban sa disposable vapes suportado nina Pia, JV

Proposed ban sa disposable vapes suportado nina Pia, JV

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta sa panukalang pagbabawal sa bentahan ng disposable vapes sa Pilipinas sina Senador Pia Cayetano at JV Ejercito.

Iginiit ni Cayetano na mayroong epekto sa kalusugan at kapaligiran ang mga disposable vape.

“I support the banning of disposable vapes…Vapes are very dangerous…Do not buy the argument that it is safer for you or healthier. There is no scientific proof yet that it is safe for you,” ayon kay Cayetano na nanawagan laban sa pagpasa ng Republic Act 11900 o Vape Law.

“This disposable is even worse for the environment because you throw it away after using it, similar to the single-use plastic bag, right? The young people already know. The young people on their own are doing their part in not contributing to the garbage,” dagdag pa niya.

Suportado rin ni Senador JV Ejercito, na vice chairman ng Senate health committee, ang panukala na muling iginiit ang posisyon ng Department of Finance na karamihan sa mga disposable vape ay hindi rehistrado at hindi nagbabayad ng excise taxes.

“Hindi pala nagbabayad ng tax. That’s already a blatant violation. Kumbaga smuggled lahat yan…Talagang dapat i-ban na yan. Unang-una, it’s unhealthy tapos hindi pa nagbabayad ng tax,” ani Ejercito.

Ngayong linggo, pinalutang ni Finance Secretary Ralph Recto ang posibilidad ng pagbabawal sa pagbibenta ng disposable vapes sa Pilipinas.

Sinuportahan ng Department of Health ang hakbang na ito sa pagsasabing mayroon itong mga health risk. RNT/JGC

Previous articleDigong itinalagang administrator ng SMNI
Next articleBato duda sa mga akusasyon vs Quiboloy