Manila, Philippines- Mismong si Jennylyn Mercado na rin ang naghanap ng paraan para irampa ang dapat sana’y pangabog na gown sa isusuot niya sa GMA Gala nu’ng nakaraan.
Naiulat namin dito sa Remate Online na may nangyaring emergency, dahilan para hindi makasipot ang Kapuso actress sa star-studded event.
Mataas kasi ang lagnat ng anak niyang si Alex Jazz and she needed to look after him.
Naglambing din kasi ito sa ina na ipagpaliban ang event para bantayan siya.
Alex Jazz is Jennylyn’s child by Patrick Garcia.
Sa ‘di kasi pagdalo ni Jen sa naturang event, inakusahan tuloy siyang nag-iinarte lalo pa’t GMA has yet to renew her contract.
As it is now, freelance ang aktres.
Anong sayang at hindi niya naisuot ang kanyang inihandang gown?
Hindi, ‘no!
Sa katunayan, Jennylyn took to Instagram reels para irampa ito.
Donning her jaw-dropping gown, idinaan ng aktres sa comedy ang pagrampa.
Nilakipan niya ito ng caption na: “Nandiyan na si crush…act normal. #modeling 101.”
All along pala’y nasa bahay lang siya at nanonood ng Netflix while snacking on Cheetos.
Kumbaga, while all her peers were having a grand time at the Manila Marriott Hotel ay taong bahay lang ang peg ni Jen.
Napagkasunduan nga nila ni Dennis Trillo na ito na lang would walk solo sa red carpet.
So, malinaw na may valid reason ang aktres for her no show kaya enough of intriga! Ronnie Carrasco III