Home NATIONWIDE Jenny bagyo na; Signal No. 1 umiiral sa Batanes, 3 pang lugar

Jenny bagyo na; Signal No. 1 umiiral sa Batanes, 3 pang lugar

MANILA, Philippines- Lumakas na si Severe Tropical Storm Jenny (international name: Koinu) bilang bagyo sa Philippine Sea nitong Lunes ng umaga, ayon sa PAGASA.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes;

  • Babuyan Islands;

  • eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Baggao, Gattaran, Peñablanca); at 

  • eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan). 

Inaasahan sa mga lugar na ito ang malakas na hangin sa loob ng 36 oras mula 39 hanggang 61 km/h.

Kaninang alas-4 ng umaga, ang sentro ni Bagyong Jenny ay tinatayang 655 km silangan ng Aparri, Cagayan o 665 km silangan ng Calayan, Cagayan.

Mayroon itong maximum sustained winds na 120 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 150 km/h, aat nd central pressure na 975 hPa.

Patungo ito sa northwestward direction sa bilis na 10 km/h. RNT/SA

Previous articleLotto Draw Result as of | October 1, 2023
Next articleConcert ‘di sapat, dagdag-sahod hirit ng mga titser