Home ENTERTAINMENT Jennylyn, inalmahan ang pagnanakaw sa identity ng anak!

Jennylyn, inalmahan ang pagnanakaw sa identity ng anak!

Manila, Philippines – Kauna-unawa kung nagpupuyos man sa galit si Jennylyn Mercado.

Dahilan: pinagkakakitaan kasi ang kanilang anak na si Dylan Jayde Ho sa Facebook page.

Nagagawa ito ng ilang mapagsamantalang tao sa pamamagitan ng identity theft.

Sa madaling salita, ina-assume ng mga ito ang pagkakakilanlan kay Dylan making it appear na legit ang FB page nito.

Para mapaniwala nga ang gustong mag-subscribe, they do it such a way na hitik pa ito sa mga pictures ng celebrity child.

At take note, may subscription option pa na siyempre’y napupunta sa bulsa ng sinumang may pakana nito.

Hindi nga napigilang i-post ng Kapuso actress ang kanyang panawagan, calling the attention of those behind this identity theft case.

Mangyaring makipag-ugnayan daw ang mga ito sa kanyang management office, ang Aguila Entertainment: “Para maresolba natin ito nang maayos.”

If this will persist, ani Jennylyn ay hindi raw siya mag-aatubiling idulog ang kaso sa mga kinauukulan to take down the FB page na nakapangalan sa kanyang anak.

Malinaw naman kasing pinagkakakitaan ang walang kamuwang-muwang nilang anak ni Dennis Trillo.

At presstime, Dennis has yet to issue his reaction as regards the matter. Ronnie Carrasco III