Home NATIONWIDE Malaria cases sa Pinas tumaas

Malaria cases sa Pinas tumaas

MANILA, Philippines- Tumaas ang mga kaso ng malaria sa Pilipinas ng 90 porsyento noong 2023, sinabi ng Department of Health (DOH).

Lumabas sa pinakahuling datos mula sa DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na 6,248  kaso ng malaria ang naitala sa bansa noong 2023 na tumalon mula sa 3,245 na na-monitor noong 2022.

Ilang mga kaso ng kaugnay na pagkamatay ay nasa ilalim din ng imbestigasyon.

Mula sa 82 probinsya, ang Palawan ang nananatiling nag-iisang probinsya na may natitirang aktibong kaso.

Nag-ulat ito ng kabuuang 6,188 kaso ng malaria noong nakaraang taon.

“Itong probinsya na lamang ang siyang inaantabayanan natin dahil dito po nanggagaling ang halos lahat ng ating malaria cases,” sabi ni RITM Technical Supervisor Jhobert Bernal.

Samantala, sinabi ng DOH na ang pagbabago ng klima at ang pagpapagaan ng mga paghihigpit kasunod ng pandemya ay kabilang sa mga posibleng dahilan ng pagdami ng mga kaso.

Tinukoy ng World Health Organization ang malaria bilang isang “sakit na nagbabanta sa buhay” na kumakalat sa mga tao ng ilang uri ng lamok.

Ito ay kadalasang matatagpuan sa mga tropikal na bansa at kadalasang napipigilan at nalulunasan.

Ang mga unang palatandaan ng impeksyon sa malaria ay kinabibilangan ng:

  • chills

  • fever

  • sweating

  • headache

  • fatigue

  • muscle aches

  • nausea and vomiting

Ang severe symptoms naman ay:

  • kidney failure

  • seizure

  • mental confusion

  • coma. Jocelyn Tabangcura-Domenden