Manila, Philippines – Sa pelikula lang masungit ang paglalarawan sa isang madrasta–not in real life lalo na sa kaso ni Jennylyn Mercado to her stepson Calix.
Si Calix ay ang anak ng asawa ni Dennis Trillo kay dating beauty queen na si Carlene Aguilar.
Jen made Calix feel he’s like her own as she was supportive of him nang sumalang sa finals ng UAAP 2026 Season 8.
Kasamang nanood ni Dennis ng fencing ang Kapuso actress na nagtatalon sa tuwa sa pagkakasungkit ni Calix ng gold medal.
Mapapanood ito sa maikling video na ipinost ni Dennis sa kanyang Instagram account.
Stage stepmom na stage stepmom ang dating ni Jen.
Tulad ng aktres ay nagbubunyi rin siyempre ang ina ni Calix na si Carlene.
Ang eksenang tuwang-tuwa din si Carlene with Jen and Dennis ay patotoo na maayos ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.
May photo op pang pinagbigyan si Calix kung saan magkatabi pa ang past and present women in Dennis’ life, habang nasa kabilang side naman si Dennis katabi ng isa pang anak ni Carlene.
Sa comment section, pinuri si Calix for making his parents proud. Ronnie Carrasco III