Home ENTERTAINMENT Jericho, umamin sa real score nila ni Janine!

Jericho, umamin sa real score nila ni Janine!

Manila, Philippines – Sagot sa tanong kung ano nga ba ang real score sa pagitan nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales ang hinihintay ng publiko.

So without making the public wait any longer ay diretso nang sinagot ng comebacking actor ang tanong–are they or are they not?

At a recent mediacon nga’y hindi na gaanong nagulat ang press sa naging kasagutan ni Echo.

Aniya: “We’re dating…we’re now getting to know each other.”

So far, marami nang mga qualities o magagandang katangian ni Janine ang natuklasan ni Echo.

Nagpakawala siya ng mga adjectives tulad ng “amazing,” “sweet,” “kind,” “funny” at

“dedicated.”

While all these are what describe Janine sa personal na aspeto ng kanyang buhay, Jericho sizes her up as “a very good actress.”

An Urian Best Actress awardee, talaga ngang very good!

So far din, their dates–constant as these are–reveal so much about them.

Inamin ni Jericho na ideya niya na mag-date sila ni Janine sa National Museum.

Matatandaang naging viral ang video at photos taken of them, even prompting Janine’s mom Lotlot de Leon to ask kung paanong napadpad doon ang anak.

Sinundan ito ng pagpapaunlak ni Echo na dumalo sa launch ng awitin ni Diego, Janine’s brother–at a bar somewhere in Quezon City.

Sa gitna ng lahat ng ito, how does Jericho see himself five years from now with respect to their closeness?

Nakakaintrigang sagot ng aktor: “We’ll see…” Ronnie Carrasco III