Home ENTERTAINMENT Show ni Willie, sisibakin na?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Show ni Willie, sisibakin na?August 16, 2024 12:46 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kalat na kalat na sa social media ang balitang bilang na ang masasayang araw ng Wil to Win ni Willie Revillame sa TV5.Lumalabas na ang nagpasimuno ng naturang tsika ay ang Chakapuso sa X (dating Twitter).Known for delivering the hottest, juiciest showbiz stuff ay ito ang pinaksa ng Showbiz Update ni Ogie Diaz.Pinabasa pa muna ni Ogie sa kanyang co-anchor na si Mama Loi ang ipinost ng Chakapuso.Dalawang dahilan ang nakasaaad sa post as grounds for the alleged cancellation of Willie’s show.Una ay ang umano’y pamamaoy sa programa na nagsilbing mitsa kung bakit umalis ang isa sa mga host nito.Ikalawa ay ang mismong panenermon ni Willie sa kanyang staff na ginagawa niya on air.At dahil nga rito, ang pinirmahang supposed three-year contract ni Willie sa TV5 ay gagawin na lang daw anim na buwan.Ang mga nabanggit din daw na grounds ang dahilan kung bakit nagsisisi umano ang pamunuan ng istasyon na tinanggap nila ang programa ni Willie.As always in the name of fairness ay inalam ng kampo ni Ogie mula mismo sa isang taga-Wil to Win ang katotohanan.Kasabay nito, nag-isyu rin ng panawagan si Ogie na huwag basta-basta naniniwala sa mga nababasa o naka-post sa social media.Sa partikular na kaso daw ng Chakapuso, may ilang balita raw nito ang sumasablay.Ayon mismo sa insider source ni Ogie (na ‘Nay pa nga ang tawag sa kanya) ay walang katotohanan ang lumabas sa Chakapuso.Mananatili pa rin daw three years ang kontrata ni Willie as stipulated.Hindi rin daw totoong mahina ang pasok ng mga advertisers o sponsors.Aminado naman ang kampo ni Willie na talagang mahirap makakuha ng mataas na ratings sa ganoong time slot.Pero noon daw ‘yon during the program’s birthing pains.Malaki na nga raw ang in-improve ng Wil to Win dahil isa ito sa mga pinakamalakas, kundi man pinakamalakas na programa sa Kapatid network.Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco III