Home ENTERTAINMENT Jessy, may pangalan na sa second baby!

Jessy, may pangalan na sa second baby!

Manila, Philippines- Mahal na niya noon, mas higit pa ngayon.

Ganito ilarawan ni Jessy Mendiola ang mas nag-uumapaw niyang pagmamahal ngayon kay Luis Manzano.

Mas appreciative daw ang aktres of Luis being both as her husband and the father of their child Rosie.

Pina-validate pa nga ito ni Jessy kay Boy Abunda when she guested on the latter’s program.

Marami rin daw kasi ang nakasubaybay sa couple noong magnobyo pa lang sila until they got married, at eto na nga’t nabiyayaan ng anak.

Speaking of kids, in-excite ni Jessy ang mga netizens sa balitang “coming soon” na raw ang kasunod ni Baby Peanut.

Jessy, however, didn’t mention kung nasa interesting stage na siya uli.

Pero hindi pa man ay meron na silang naiisip na ipapangalan ni Luis sa kanilang susunod na baby.

The second baby’s name: Ocean.

Ayon sa showbiz couple, ang napili raw nilang pangalan ay angkop ke boy o girl ang isilang ni Jessy.

“Saka Luis and I are both beach lovers!” tsika pa ni Jessy.

Aniya, she can’t wait to see Baby Ocean Tawile Manzano born into the Christian world! Ronnie Carrasco III