Todo ang paghahanda ngayon ang Philippine Men’s Football team para sa nanalalapit nitong pagsabak sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup 2024.
Makahaharap ng PH Men’s Fooball team sa Disyembre 12 ang Myanmar habang sa Disyembre 18 naman ay ang Vietnam, parehong gagawin sa Rizal Memorial Stadium.
Mayroon din silang mga laro sa labas ng bansa gaya sa Lao National Stadium sa darating na Disiyembre 15 at sasagupa naman sila kontra Indonesia sa Disyembre 21 sa Gelora Bung Karino Stadium.
Ayon kay Freddy Gonzales, ang Director of National Senior Teams for the Philippine Football Federation, magagamit ng national team ang ilang mga natutunan nila sa mga nagdaang friendly games mula sa ibang mga bansa.
Sa Disyembre 2 ay gaganapin ang national training camp nila at doon na maaring mapili kung sino ang pinal na mga isasabak.
Humihiling sa publiko ng suporta ang Philippine team lalo na kapag ang laro ay gaganapin sa bansa.