Home ENTERTAINMENT Jillian at Eman, binura ang pics at videos sa socmed, anyare?

Jillian at Eman, binura ang pics at videos sa socmed, anyare?

192
0

Manila, Philippines – Tiyak na ikina-depress ng mga fans nang matuklasang binura nina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao ang mga photos at videos ng isa’t isa sa Instagram.

Ano daw ba ang simpleng ipakahulugan nito–malinaw na hindi pa sila officially ay break na agad?

Upon checking their respective IG accounts, ni isang post ay wala silang itinira lalung-lalo na ‘yung magkasama sila.

Takang-taka ang mga fans dahil noong isang araw lang ay sobrang titig na titig pa si Eman kay Jillian, then all of a sudden ay deleted na ang mga posts nila?

Bale ba, kasamang binura ay ‘yung panonood ni Jillian ng laban ni Eman sa Tagbilaran City, Bohol recently.

Utos kaya ‘yon ng pamunuan ng GMA para paingayin ang pag-entra ni Eman sa Never Say Die?

O naka-private lang ang accounts nila pansamantala para na lang iwas-intriga?

Eman has already begun taping for the said series, kaya expect him to pop out one of these primetime nights.

Tingnan natin kung ano ang magiging rating once lumabas na si Eman–kasing tindi din kaya ng mga suntok niya? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here