Home ENTERTAINMENT Jillian, inokray sa pagiging judge ng singing competition!

Jillian, inokray sa pagiging judge ng singing competition!

52
0

Manila, Philippines – Inanunsyo na ang pangalan ni Jillian Ward bilang isa sa mga napiling maging judge ng isang upcoming singing competition ng isang network.

Dati nang judge rito sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Pero sa teen edition nito ay sina Jillian at si JL Toreliza, na dating miyembro ng boyband na BGYO, ang mga bagong salta.

Na-retain naman ang romantic balladeer na si Christian Bautista.

Dahil sa development na ito, maraming kibitzers ang nag-react.

Hirit nila, wala raw K na maging judge si Jillian dahil hindi raw naman ito legit singer, at kung na-release man ang first song nito ay hilaw pa raw ito para kumilatis ng talent.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa nasabing isyu.

“Masyado pang maaga at hilaw si jillian para gawing judge ng isang singing competition. First of all, bagong sampa pa lang siya sa industry ng music, her first release song wasn’t even strongly supported, it didn’t chart the Itunes at ang baba ng streams.

“Pangalawa, saka pa lang siya mag-concert, it’s her very first concert. The only experience she has, singing in fiesta’s/ provincial shows and All Out Sundays.

“Pangatlo, ano ang credentials niya bilang singer other than having viral performances?”

“Pero hindi rin naman singer si AiAi pero kahit paano marunong naman siyang kumilatis ng talent.”

“Para sa akin, wala siyang K maging judge.”

“Marami pa namang mas deserving sa kanya. Siguro malakas lang siya sa management.”

“Kung artista search iyan, ok lang dahil artista siya. Pero singing competition ito, dapat iyong may track record sa singing ang judge.”

“Hindi lang si Jillian ang hilaw pati na iyong BGYO member. Parang kulang na kulang pa.”

“Let’s give them a chance. Baka naman puwede rin silang maging credible judges.”

“Sana si Zephanie na lang ang inilagay nila.”

“Ano ba ang qualifications ni Jillian as a singer. Nanalo o sumali na ba siya sa singing competitions tulad nina Julie Anne, Rita Daniela at iba pa?”

“Popular naman siya sa TikTok. Hehe.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here