Home ENTERTAINMENT Jillian, mas bagay daw bilang Marimar!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jillian, mas bagay daw bilang Marimar!May 1, 2025 18:35 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Challenging na itinuturing ni Jillian Ward ang mapasabak sa mga action scenes.Ito’y bukod sa pag-angkas sa motorsiklo sa seryeng Black Rider ng GMA sakay ni Ruru Madrid habang tinutugis ng mga kalaban ng bida.Bagong karanasan daw para kay Jillian ang mga eksenang ‘yon kung ikukumpara nga naman sa nakasanayan niya.Dahil isang surgeon doon ang ginagampanang papel ni Jillian as Dr. Annalyn, paikut-ikot lang siya sa hospital premises.Sa ngayon ay may nagkakaisang suhestyon ang mga netizens: let Jillian reprise the role of Marimar.Matatandaang sina Marian Rivera at Megan Young ang gumanap noon sa Pinoy adaptation ng sikat na Mexicanovela.Without going into specifics, taglay raw ni Jillian ang mga physical qualities worthy to be the next Marimar.Isantabi na raw muna ang ideyang gawing next Marimar si Kathryn Bernardo, that is, kung may balak ang GMA na gawin uli ang project.As usual, hindi pa man ay may mga nagnenega na kay Jillian.Mas kahawig daw kasi ni Jillian ang manyikang si Barbie! Ronnie Carrasco III