Manila, Philippines- Mariing idinenay ni Yassi Pressman na nagparetoke siya taliwas sa mga kumalat na tsika sa social media.
May mga nagmamahadera kasi noon na nagsabing nagpa-‘salamat doctor’ daw ang aktres kaya may mga pagbabago sa hitsura nito.
May ilan pa ngang pa-savage na nag-opinyong nagmukha raw siyang female version ng American singer-songwriter na si Steve Tyler sa public sighting sa kanya.
Sa guesting niya sa vlog ni Alex Gonzaga, sinabi niya na malaki ang ipinayat niya.
Ito raw kasi ay bilang paghahanda sa role niya sa isang movie na kanyang labis na kinarir.
Dahil din daw sa kanyang pagpayat at pati sa bagong hairstyle, nagbago raw ang features niya kaya napagkamalan siyang nagparetoke.
Sa naturang tsikahan, nilinaw din niya ang tungkol sa pag-alis niya noon sa programa ni Coco Martin.
Pagtutuwid niya, hindi raw sila nagkaroon ng samaan ng loob o nag-away ng Kapamilya Primetime King kaya iniwan niya ang show.
Nagkaroon lang daw ng aberya sa schedule dahil may gagawin siya noong pelikula na kanyang inuna.
Hindi naman niya ikinaila na iniyakan niya si Coco dahil na-sepanx siya sa show at sa mga taong nakatrabaho niya sa nabanggit na serye kung saan umabot ng halos limang taon ang kanyang naging partisipasyon.
Naurot din ni Alex si Yassi kung handa na itong maging asawa ng isang politician sa Bicol.
Aniya, wala pa raw naman silang pag-uusap na ganoon ng nobyo pero bilang isang babae ay bet niyang iyon na ang maging endgame nila.
Natanong din ng vlogger si Yassi kung bakit panay ang pa-PDA nila ng politician-boyfriend.
Aniya, very demonstrative at clingy daw kasi siya pagdating sa kanyang dyowa in the same way na ganoon din ito sa kanya.
Hindi rin nila ikinaila na good kisser o tsampeon ang boyfie pagdating sa laplapan. Archie Liao