Home NATIONWIDE Campaign period ‘generally peaceful’ – Comelec

Campaign period ‘generally peaceful’ – Comelec

MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga insidente ng karahasan, sinabi ng Commission on Elections na generally peaceful ang election campaign period sa ngayon.

“Generally peaceful ang buong Pilipinas .Kahit ang Negros Island Region, ‘generally peaceful,” ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia.

Noong nakaraang linggo, iniulat ng Philippine National na ang bilang ng validated election-rekated incidents (ERIs) bago ang May elections ay tumaas sa 30.

Sa bilang na ito, 22 ang validated ERIs ay “violent” at walo ang “non-violent.”

Karamihan sa validated violent ERIs na iniulat ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may walo, sinundan ng Cordillera Administrative Region na may anim at Zamboanga Peninsula na may tatlo.

May tig-isa namang validated ERI sa Ilocos Region, Central Luzon, Eastern Visayas, Davao Region at Soccsksargen.

Sinabi ni Garcia, kumpara noong 2019 at 2020, ‘di hamak na mas mababa pero aniya ay may 11 araw pa at ayaw pa nilang magbigay ng pinal na konklusyon.

Sinabi ng Comelec nitong Mayo 1 na 35 na lugar ang nasa ilalim na ngayon ng red category ng mga election areas of concern –mas mababa sa 38 na natukoy noong Enero.

Nangangahulugan ito na ang mga lugar ay may malubhang banta ng karahasan na may kaugnayan sa halalan.

Samantala, dalawang lugar — Buluan, Maguindanao del Sur at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte ang idineklara sa ilalim ng Comelec control bago ang Eleksyon 2025 dahil sa mga naiulat na insidente ng karahasan sa mga munisipalidad.

Sa ilalim ng Comelec control, magkakaroon ng agaran at direktang kontrol at pangangasiwa sa mga national at local na opisyal at empleyado.

Magkakaroon din ito ng full control at pangangasiwa sa lahat ng national at local na ahensyang nagpapatupad ng batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden