Home HOME BANNER STORY 12 patay sa karambola sa SCTEX

12 patay sa karambola sa SCTEX

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 10 ang naitalang nasawi habang 28 ang sugatan sa nangyaring karambola sa SCTEX Toll Plaza northbound lane nitong Huwebes, Mayo 1.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang Facebook post, ang mga sangkot sa aksidente ay ang tatlong SUV, isang container truck, at isang bus ng Solid North.

Sa huling ulat, patuloy naman ang pagsagip sa mga pasyenteng nasa loob ng sasakyan. RNT/JGC