Home ENTERTAINMENT Jimmy Santos, balik-pinas na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jimmy Santos, balik-pinas na!May 2, 2025 15:32 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Wala pa ring kupas ang pagpapatawa ni Jimmy Santos who’s back in town.Matagal ding namalagi sa Calgary, Canada ang komedyante at dating host ng Eat Bulaga.Kasagsagan ng pandemya when he left the longest-running noontime show noong umeere pa ito sa GMA.Back in Canada, hindi naman naging idle doon si Jimmy.While there, naging abala siya sa pagba-vlog at pangangalakal.Buong akala nga ng ating mga kababayan, for good na siya doon.“Binisita ko lang ang anak ko at ang apo ko na nag-first communion,” ani Jimmy in his latest vlog.His vlog opened with him doing the dishes then sweeping in the backyard at pagsu-shoot ng basketball na kinapos.Aakalain n’yo ngang kuha sa Canada ‘yon until the camera shifted sa kagigising lang ni Jimmy na narito na pala.Intro niya: “Jimmy Saints at your service center!”Sa kanyang pagbabalik-bansa, his fans are eager to see more of him.Hindi na nakapagtataka kung isang araw ay mapanood natin siyang muli sa Eat Bulaga.Welcome back, Jimmy Santos! Ronnie Carrasco III