Manila, Philippines- Nagpahinga na sa ere ang show ni Willie Revillame na “Will to Win” sa Kapatid channel.
Hindi si Willie ang host nu’ng mag-last TV airing ang kanyang programa kundi ang matalik niyang kaibigan na si Randy Santiago.
Pinalitan ni Randy si Willie sa show sa pagsisimula ng kampanya ng mga tumatakbong senador noong February 11.
Tumagal din ng dalawang buwan ang show minus Willie.
Ang pumalit sa naiwang timeslot ng show ni Kuya Wil ay ang programa kung saan tampok ang namayapa nang si Nora Aunor.
May mga nagsabi na sinubukan daw ni Kuya Wil na i-save ang kanyang programa at may kinausap daw siyang ilang executives ng TV5 ngunit wala ring nangyari.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Kuya Wil hinggil sa issue. Julie Bonifacio