Home ENTERTAINMENT JLC at Isabel, nag-unfollow sa IG, hiwalay na?

JLC at Isabel, nag-unfollow sa IG, hiwalay na?

216
0

Manila, Philippines – Ilang linggo bago ang Valentine’s Day, kapansin-pansin ang pag-unfollow sa isa’t isa ni John Lloyd Cruz at nobyang si Isabel Santos sa Instagram.

Naging trend na kasi among showbiz relationships na kapag nag-a-unfollow ang mga magkakarelasyon sa social media ay isa lang ang ibig sabihin–hiwalay na ang mga ito.

In Isabel’s case, kahit in-unfollow na niya ang aktor ay nasa IG pa din niya ang mga photos nito na kasama siya.

Isa dito ay ang photo nila sa Milan, Italy noong October 27, 2025.

Isabel posted it almost three weeks ago.

Matatandaang sa guesting ni John Lloyd sa Fast Talk with Boy Abunda noong October 2023 inamin ng aktor na nobya niya si Isabel.

Matagal na daw silang magkakilala.

Isabel is the granddaughter of cartoonist and fine arts painter Mauro “Malang” Santos.

Nagbiro pa nga si JLC na sila daw ni Isabel ay “boring people.”

Sa ngayon, hinihintay ang kumpirmasyon mula kay John Lloyd as to the status of their relationship.

Is it over na nga ba? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here