Home NATIONWIDE DOJ maglalabas ng subpoena sa plunder complaints vs Estrada, Revilla ngayong linggo

DOJ maglalabas ng subpoena sa plunder complaints vs Estrada, Revilla ngayong linggo

214
0

MANILA, Philippines – Maglalabas na ng subpoena ang Department of Justice sa magkahiwalay na reklamong plunder na inihain laban kay Senator Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa loob ng linggo ito, ayon kay Prosecutor General Richard “Dong” Fadullon.

Inaasahan naman na itatakda ang preliminary hearings sa katapusan ng buwang ito.

Bukod dito, magsasagawa rin ang DOJ ng preliminary investigation sa anim na malversation complaints sa umano’y maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng Wawao Builders at Topnotch Catalyst Builders Inc.

Si Senator Joel Villanueva ay isa sa respondent sa tatlo sa anim na reklamo tungkol sa anomalya sa flood control projects.

Kasalukyan siyang humihingi ng karagdagang panahon upang isumite ang kanyang counter affidavit na dapat gawin bago mag-Enero 2026.

Sinabi ni Fadullon na ang kaso ay maaaring ihain sa korte sa bansa o sa Sandiganbayan sa kagitnaan ng Pebrero.

Ang mga reklamo ay may kaugnayan sa mga umano’y ghost flood control projects sa Bulacan na kinasasangkutan ng Wawao Builders at Topnotch Catalyst Builders Inc.

Inilabas noong Lunes ng Sandiganbayan ang warrant of arrest at hold departure order laban kay Revilla at anim na iba pang indibidwal sa umano’y P92.8 milyon ghost flood control projects sa Pandi, Bulacan.

Lunes ng gabi din nang sumuko ang dating senador sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here