Home ENTERTAINMENT JLC, tinamad nang magtrabaho, wala na sa poder ni Maja!

JLC, tinamad nang magtrabaho, wala na sa poder ni Maja!

Manila, Philippines- Technically, wala na sa poder ni Maja Salvador si John Lloyd Cruz.

Ang Crown Artist Management ni Mrs. Rambo Nuñez ang management office ni Lloydie.

Pero paanong masasabing talent pa siya nito kung ang mga inaalok namang trabaho sa kanya ay hinihindian niya?

Isa na rito ang pag-èendorso ng skin and beauty products company ni Rhea Tan, tinurn down ng aktor ang offer to be one of its faces.

Ani Maja, gusto na lang daw mag-concentrate ni John Lloyd on being the father of his son Elias.

Bukod sa aktor, sumabay pa si Miles Ocampo na wala na rin sa kuwadra ni Maja.

Hindi binanggit ni Maja ang dahilan ng pag-alis ni Miles.

But one thing’s for sure, Miles is eyeing on Triple A Management owned by Mike Tuviera to handle her career.

In fairness to Maja, she may have lost two artists ay balitang aariba uli ang kanyang career nang bonggang-bongga.

Bukod dito, ang anak nila ni Rambo na si Maria ay meron na ring endorsement!

‘Ika nga, may nawala pero may pumalit naman! Ronnie Carrasco III